For Your Entertainment: Original is Always The Best
Apr 21st
Welcome sa isa na namang edisyon ng FYE.
Masasabi kong isa sa mga dahilan kung bakit hindi umuunlad ang industriya ng musika sa ating bansa (bukod sa piracy), ay ang pag-revive ng mga kantang sumikat maraming taon na ang lumipas. Bagamat sinasabi at kinakatuwiran ng ilan na ginagawa ng mga Pinoy singers ang pag-revive ng mga kanta ay upang magkaroon ng “awareness” lalo na sa mga kabataan ngayon na ang mga kantang kanilang “muling binibigyang-buhay” ay sumikat at pumatok noong panahong ginawa ang naturang kanta.
Base na rin sa aking pagkakadinig sa ilang kanta na na-revive, agree ako sa sinabi ng isa sa mga YouTube user na hindi nabigyan ng hustisya ang kanta. It seems na ang pag-revive ang isa sa mga paraan upang magkaroon ng “raket” o career ang isang singer, lalo na sa mga bago pa lang umuusbong.
FYE Blitz: Jade by X JAPAN
Apr 18th

Si Yoshiki ng X JAPAN nang tanggapin niya ang Best International Band Award sa Golden Gods Awards ngayong taon. Image courtesy of jefusion.com
Heto na naman ang isa na namang pasada ng FYE Blitz.
On AI 2012: Paglaban at Pagsalba
Apr 16th

Dito sa Pilipinas, hindi na bago sa atin na tayo mismong mga mamamayan ay nagdududa sa takbo ng mga talent contest. Hindi rin nakaligtas ang pagdududa ng mga manonood sa kinalabasan ng botohan na mismong mga manonood din at mga tagasuporta ng mga pambato nilang kalahok ang nagbibigay nito.
Nito lamang nakaraang taon, tinalakay natin ang naging resulta ng isang talent show sa ABS-CBN. Kitang-kita ang naging reaksyon ng mga nakapanood at inilabas ang kanilang saloobin gamit ang internet. Ang resulta ay taliwas sa gustong mangyari ng mga nakapuna. Pero tulad ng mga nakaraang season ng naturang talent show, nabaon sa limot ang isyu.



